English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page Bookmark and Share

Chemotherapy

Ang chemotherapy ay isang pamamaraan ng paggamot na nagbibigay-wakas sa mga kanser sa katawan sa pamamagitan ng paghahadlang sa paglago nito. Isa ito sa pinakamabisang kasangkapan upang labanan at sugpuin ang kanser. Bawat pasyente ng kanser sa suso ay naiiba, kaya ang ipinapayong pamamaraan ng chemotherapy ay ibinabagay sa pangangailangan ng bawat pasyente.

Mayroong dalawang uri ng chemotherapy:

Ang chemotherapy ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan:

Dahil ang paggagamot ay nakakaapekto sa mga di-pangkaraniwan at pangkaraniwang cells lalo na ang utak sa buto, panunaw sa tiyan, pag-aanak at mga ugat ng buhok – ang masasamang epekto ay pangkaraniwan. Ang iba’t ibang uri ng gamot ay mayroong iba’t ibang epekto, kaya kailangan ay maitanong mo sa iyong manggagamot kung anong uri ng chemotherapy ang isasagawa sa iyo.

Mga masamang epekto ng chemotherapy

Mahalagang ipaalam mo sa iyong mga manggagamot ang anumang nararamdaman, kahit hindi ka nakakasiguro na ang mga ito ay bunga ng iyong paggagamot. Sa ganuong paraan, agad matutugunan ng iyong manggagamot ang anumang pagkabahala mo at nang mapaginhawa ang mga sintomas.

Naaapekto ng chemotherapy ang pagtubo ng di-pangkaraniwan at pangkaraniwang mga cells – lalo na ang utak sa buto, panunaw sa tiyan, pag-aanak at mga ugat ng buhok – kaya’t pangkaraniwan lamang na makaramdam ng masamang epekto.

Ang mga pangkaraniwang masamang epekto ng chemotherapy ay ang mga sumusunod:

Kung ang mga masamang epektong ito ay napakahirap, mayroon namang mga mabisang pamamaraan upang magamot ang mga ito. Ang mga gamot na irereseta ng iyong manggagamot ay makakatulong upang maiwasan ang pagduwal , pagsusuka at kakulangan sa dugo. Mayroon din namang mahuhusay na peluka at sombrero upang maitago ang pagkalagas ng buhok.

Ibang bagay naman ang makabagbag-pusong suliranin na kasabay ng masamang epekto ng paggagamot . Makakatulong ang pakikipag-usap sa kapuwa pasyente na dumaan din sa chemotherapy – kung paano sila nakaraos dito. Kung tatawag ka sa 24-Hour YourShoesTM Support Center, maaari kang makipag-usap sa isang tulad na nanggaling na duon.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel