English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page Bookmark and Share

Pagkalagas ng Iyong Buhok

Ilan sa mga gamot na ginagamit sa chemotherapy ay nagiging dahilan upang malagas ang ilan o lahat ng buhok ng pasyente habang nagpapagamot. Sa pagdaan ng mga gamot na ginagamit sa chemotherapy sa katawan upang sugpuin ang kanser, ilan sa mga gamot na ito ay pumipinsala sa ugat ng buhok at nagiging dahilan upang malagas ang buhok.

Ang ibang pasyente ay nakakaranas ng pagkalagas ng buhok ngunit ang iba naman ay hindi kahit na magkaparehong gamot ang ginagamit. Mayroong gamot na nagiging dahilan sa pagkalagas ng buhok sa buong katawan, ngunit ang ibang gamot naman ay nagiging dahilan ng pagkalagas lamang ng buhok sa ulo. Kung mayroon mang malalagas na buhok, madalas itong nagsisimula sa loob ng dalawang linggo mula nang simulan ang chemotherapy at lumalala sa loob ng isa hanggang dalawang buwan. Kumpul-kumpol itong nalalagas na makikita mo sa unan sa umaga o di kaya’y sa pag-shampoo o pag-suklay mo ng iyong buhok.

Ang pagkalagas ng buhok ay hindi pirmihan at maaaring tumubong muli bago pa matapos ang paggagamot. May ilang pasyente ang nagsasabi na ang kanilang bagong tubo na buhok ay naiiba ang habi o kulay kaysa dating buhok.

Mga Pamamaraan upang Makayanan


Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel