English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page Bookmark and Share

Lumpectomy laban sa Mastectomy

Napatunayan ng mga pag-aaral sa panggagamot na maliit ang pagkakaiba ng mga nakaligtas na kababaihan na mayroong kanser sa suso na sumailalim sa lumpectomy sa halip na sumailalim sa mastectomy. Kailangan alamin ng bawat isa kung ano ang nararapat na paggagamot sa kanyang sariling kalagayan.

Mayroong mga kalagayan ng kalusugan, gaya ng sakit sa puso, na dahilan upang ikaw ay hindi mapahintulutang tumanggap ng radiation therapy. Maaari ka namang sumailalim sa pagsasagawa ng suso kung pipiliin mo ang mastectomy o di kaya’y magkaroon ng external breast prostheses.

Ang pagiging masigasig sa pagtalakay ng iyong pagpapagamot ay makakabuti sa uri at kalagayan ng iyong buhay. Alamin mo ang mga kabutihan at ang mga kapinsalaan ng bawat uri ng panggagamot at magtanong sa iyong manggagamot kapag mayroon kang hindi maintindihan.

Higit sa lahat, makakatulong ang pakikipag-usap sa ibang kababaihan na dumaan sa paggawa ng mga kapasiyahan na tulad ng hinaharap mo ngayon. Kung nais mong makipag-usap sa isang nakaligtas na pasyente na dumaan sa lumpectomy at radiation o di kaya’y mastectomy (mayroon man o walang pagsasagawa ng suso), tumawag sa 24-oras na YourShoes Support Center.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel