English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page Bookmark and Share

Ako Ba Ay Mamamatay?

Nitong nakaraan na limang taon, 95 porsiyento ang nakaligtas sa mga kababaihan na nasa unang-yugto pa lamang ng kanser sa suso. Gayon pa man, natural lamang sa isang humaharap ng nakamamatay na karamdaman ang maging balisa tungkol sa magiging uri ng buhay na kanyang haharapin. Sa kabutihang palad naman, ang kasalukuyang mga panggagamot na maaaring magamit laban sa kanser sa suso ay nakapag-dudulot na ng kaligtasan sa isang maysakit ng kanser. Simula pa nuong 1989, panayan ang pagdami ng mga taong nakakabuo ng pagpapagamot sa kanser sa suso.

Kapag ikaw ay nasuri na mayroong malalang kanser sa suso o di kaya’y nagkaroon ng pagbabalik ng dating kanser sa suso, malamang na magkaroon ka ng karagdagang pag-aalala na kailangang matugunan dito. Nang dahil sa patuloy na mga pananaliksik, maraming panggagamot na nagbibigay-kaligtasan ang palaging natutuklasan.

Laging makipag-usap sa iyong manggagamot tungkol sa iyong mga pag-aalala at pagkabalisa. Kung sakaling sa pakiramdam mo ay walang kinapupuntahan ang iyong mga katanungan o pag-aalala o di kaya’y makaramdam ka ng matinding kalungkutan dahil sa kalagayan mong ito, makipag-alam sa isang “support group” o di kaya’y kumausap ng isang nakaligtas mula sa kanser sa suso na sinanay na maging taga-pagpayo sa 24-oras na Y-ME National Breast Cancer Hotline sa 1-800-221-2141.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel